Nasawi ang dalawang magsasaka matapos silang pagbabarilin umano ng walong suspek sa Calbayog, Samar.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing lumabas sa inisyal na imbestigasyon na biglang sumulpot sa bukid na pag-aari ni Lino Parani ang mga salarin.

Pinagbabaril si Parani at ang 17-anyos niyang kasamahan.

Nagawa namang makatakbo ng isa pa nilang kasamahan.

Patuloy ang imbestigasyon sa ugat ng pamamaslang at pagtugis sa mga salarin. —Jamil Santos/LBG, GMA News