Dead on the spot ang tatlong sakay ng isang pick-up truck matapos nitong makasalpukan ang isang trailer truck sa Quirino Highway, Barangay San Isidro, Tagkawayan, Quezon.

Nangyari ang aksidente dakong alas 12, ayon sa paunang report ng Tagkawayan Municipal Police Station, galing Maynila at patungo sana sa Bicol ang pick-up habang patungo naman sa Maynila ang trailer truck.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang retrieval operation ng mga rescuer ng MDRRMO Tagkawayan.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis. -- BAP, GMA News