Isang babae sa Agusan del Norte ang pinagtataga umano ng kaniyang ka-live-in dahil umano sa away sa pera, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Humihingi raw ng pera ang suspek para pamasahe papuntang Bukidnon, pero nang tinanong daw ng biktima ang suspek kung kailan ito aalis ay hindi ito sumagot at sa halip ay tinutukan siya ng baril.

Tatlong beses daw kinalabit ng suspek ang gatilyo ng baril pero hindi ito pumutok. Dahil dito, kumuha siya ng itak at pinagtataga ang babae.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa leeg at tenga.

Sumuko na sa otoridad ang suspek. --KBK, GMA News