Dead on the spot ang isang lalaki sa Davao del Norte nang mabagsakan ng bucket ng backhoe na kanyang ino-operate.

Base sa inisyal na imbestigasyon, inaayos umano ng biktima na si Rolando Dula ang bucket ng backhoe na ginagamit niya sa paghuhukay nang aksidenteng bumagsak ito sa kanyang likod.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, ang backhoe ay ginagamit sa para sa paggawa ng riprap sa gilid ng ilog sa bayan ng Asuncion. —LBG, GMA News