Patay sa pananaksak ang isang lola sa Pagasianan na napagkamalan lamang umanong isang mangkukulam.

Iniulat sa  Unang Balita nitong Huwebes na pinagsasaksak ang biktimang si lola Aurora Peralta habang natutulog kasama ang kaniyang kinakasamang si Narciso Bulatao.

Biglalamang umang pumasok ang salarin sa gitna ng gabi at inundayan ng saksak ang matanga habang nalululog sa San Carlos City.

Patay si Peralta at sugatan naman si Bulatao.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis ang lola ang punterya ng suspek. Dagdag ng pulis, pinagkamalan umanong mangkukulam ang biktima.

Pahayag ni Police Lt. Col. Jay Guirllermo, hepe ng San Carlos City Police Sation,  "Ayon sa tsismis, si Peralta ay pinagkamalang mangkukulam. Siguro, may taong galit sa kanya."

Pinabulaanan ng pamilya ng biktima na mangkukulam ang matanda.

May persom of interest na umano ang  mga pulis kaugnay sa krimen. —LBG, GMA News