Patay ang dalawang rider at tatlo ang sugatan matapos magbanggaan ang tatlong motorsiklo sa Naic, Cavite. Ang ugat daw ng disgrasya, ang biglang pagbagal ng takbo ng rider na nasa unahan.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Michael Pascua at Eddie Talagtag.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na bigla umanong binagalan ng rider na nasa unahan ang pagpapatakbo sa madilim na bahagi ng Timalan-Sabang Road.

Dahil dito, mabulaga ang dalawang motorsiklo na nasa nasa kaniyang likuran.

Nabangga ng nasa dulong rider ang nasa harapan niya at sumalpok na sila sa motorsiklong nasa unahan nila.--Jamil Santos/FRJ, GMA News