Nahati ang katawan ng isang siklista sa Meycauayan, Bulacan, matapos siyang masagasaan ng isang AUV, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Tani Cruz. Bukod sa kaniya ay may apat na rider din ang nasugatan dahil sa aksidente.

Hawak na ng pulis ang driver ng AUV na si Ildefonso Magcasi Jr. na isang dating barangay captain.

Ayon kay Magcasi, umatake raw ang kaniyang epilepsy habang nagmamaneho. Handa raw siya magbayad ng danyos sa mga biktima. --KBK, GMA News