Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa tubuhan sa Talisay, Negros Occidental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

May mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Brian Barredo.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa krimen pero dati na raw na-tokhang ang biktima.

Nitong Martes lang ay isa ring lalaki ang natagpuang patay at may mga tama ng bala sa isang tubuhan sa bayan ng Murcia. --KBK, GMA News