Inaresto ng mga pulis ang isang ginang na umano'y ibenebenta ang kaniyang sariling anak sa isang online shop.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, P200,000 ang presyo ng bata sa online post.

Nakita umano ng mga netizen ang post at agad na inereklamo ang babae.

Arestado ang suspek. Hindi pa siya nagbigay ng pahayag. —LBG, GMA News