Nasawi ang isang rider matapos niyang makasalpukan ang isang passenger van na nag-overtake umano sa Alangalang, Leyte.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita sa CCTV ang pagbangga ng biktima sa unahang bahagi ng kasalubong na van.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon sa kabilang lane ang rider at ang kaniyang motor.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang van sa isa pang sasakyan.

Isinugod pa sa ospital ang rider, pero idineklara siyang dead on arrival.

Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng van. -Jamil Santos/MDM, GMA News