Dahil hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard na maka byahe ang mga RORO mula Luzon patungo sa Visayas at mga barko palabas at papasok ng probinsya ng Catanduanes at Masbate dahil sa bagyong Dante, stranded ang maraming byahero at motorista sa border checkpoint ng Bicol sa Del Gallego, Camarines Sur.

Sa border checkpoint pa lang ay hindi na pinapalampas ang mga magtutungo sa Visayas, Catanduanes at Masbate upang hindi sila abutan ng epekto ng bagyo sa mga lugar na kanilang pupuntahan.

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Aabot na sa limang kilometro haba ng pila ng mga sasakyan sa magkabilang lane ng Andaya Highway.

Kanya-kanyang deskarte ang mga stranded upang libangin ang sarili.

Sa mga oras na ito ay madilim ang kalangitan sa lugar at may pabugso-bugsong ulan. —LBG, GMA News