Isang backpack na pag-aari ng isang katekista ang ninakaw sa loob ng isang simbahan sa Cavite City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Laman ng backpack ang isang laptop, cellphone at wallet.

Sa kuha ng CCTV, makikitang isang babae ang pumasok sa simbahan at umupo sa huling hilera ng mga upuan. Maya-maya ay kinuha na ng babae ang backpack ng biktima na nakalagay sa tabi ng altar.

Ayon sa biktima, inilapag niya ang kaniyang backpack matapos magkaroon ng seminar ukol sa binyag.

Umaasa ang biktima na mahahanap agad ang suspek sa tulong ng CCTV. —KBK, GMA News