Sugatan ang isang 65-year-old na lalaki na parking attendant nang madamay sa pagwawala ng tatlong lalaki sa isang lodge sa Cebu City.

Ayon sa ulat sa "24 Oras Weekend" nitong Linggo, nagwala raw ang tatlo nang sabihan ng room boy sa lodge na wala pang bakanteng single room sa kanila at kasama nilang tatlong babae. Lasing raw umano ang mga lalaki.

Umabot sa labas ang gulo at ang isa sa kanila, nambato sa room boy pero tinamaan ang parking attendant na umaawat lang.

Inoperahan na ang biktima, samantala, nakakulong at haharap sa kasong frustrated homicide ang tatlong suspek. — Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News