Isang machine operator ang nasawi matapos makuryente nang sumabit sa kuryente ang bahagi ng minamanehong boom truck sa San Fernando City, La Union.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Mark Russel de Torres, 34-anyos.

Nangyari ang insidente sa Barangay Sevilla, habang minamaneho ng biktima ang boom truck, ayon sa pulisya.

Sumabit ang crane ng boom truck sa live wire na dahilan ng pagkakakuryente ng biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.--FRJ, GMA News