Natagpuang patay at pugot na ang apat na tuta na gawa ng hindi pa nakikilalang salarin sa Davao del Norte.
Sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes, sinabi ng may-ari ng mga tuta sa pulisya na iniwan nila ang mga ito sa gilid ng daan para sa sinoman na gustong umampon.
Ayon sa may-ari, natatakot siya na maaaring makagat ng mga tuta ang kaniyang mga anak.
Magbibigay ng pabuya ang isang pribadong indibidwal sa sinomang makapagtuturo sa pumatay sa mga tuta. —Jamil Santos/KG, GMA News
