Natagpuan na duguan at wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay ang isang guro sa Cadiz City sa Negros Occidental.

Sa ulat sa Unang Balita ni Jonathan Andal nitong Biyernes,  kinilala ang biktima na si Jessica Ducay, isang guro sa high school.

Ayon sa mga pulis, mag-isa sa bahay ang biktima nang looban ito ng suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, pianagsasaksak ang biktima at pinalo pa ng martilyo sa ulo.

Nakuha sa crime scene ang patalim at dalawang martilyo na ginamit umano sa krimen.

Tinangay ng suspek ang P79,000 na cash ng biktima, ayon sa mga pulis.

Sa tulong ng CCTV ng kapitbahay, nakilala ang suspek na si Deleon del Rosario na pinaghahanap na sa ngayon ng mga awtoridad.

Nag-aalok naman ng P50,000 na pabuya ang pamilya ng biktima sa makatutulong sa pagtunton sa suspek.

 

—LBG, GMA News