Nag-alok ng pabuyang P2 milyon ang lokal na pamahalaan Cagayan de Oro City para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mahuli ang pumatay sa anak ni Cagayan de Oro 1st District Representative Rolando Uy.

Binaril at napatay noong Nobyembre 11 sa Barangay Pagatpat, Cagayan de Oro City, ang anak ni Uy na si Roland Sherwin “Tawee” Uy at ang caretaker niya sa sand and gravel business na si Samuel Pabalan.

Sa isang pahayag, mariing kinondena ni CDO Mayor Oscar Moreno ang ginawang brutal na pagpatay sa nakababatang Uy.

“I ask all decent and peace-loving Cagay-anons to join me in urging the speedy and complete solution of those killings,” hiling ng alkalde.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumilitaw na nagpanggap na kostumer ang mga salarin at tumakas sakay ng motorsiklo.— FRJ, GMA News