Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking pinatay at isinilid sa drum at ipinaanod sa Cagayan River sa bahagi ng Solana.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Biyernes, sinabing dating seaman ang biktima na si Rowel Unabia, 32-anyos, sa bayan ng Santa Teresita.

May nakitang tama ng bala sa katawan ang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na may kapansanan sa pag-iisip ang biktima at nakaugaliang gumala sa iba't ibang bayan.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang pumaslang sa biktima.

--FRJ, GMA News