Huli sa isang video ang pag-atake ng buwaya sa isang lolo sa isang resort sa Cagayan de Oro City nitong Linggo matapos umanong magpa-picture ng biktima rito.

Sa ulat ni Ivan Mayrina sa “24 Oras Weekend,” kita sa video na duguan ang kaliwang braso ng mama pagka-ahon sa isang crocodile enclosure kung saan siya nahulog at kinagat ng buwaya.

Sabi ng uploader ng video ay akala raw ng biktima na laruan at gawa sa plastik ang buwaya at hindi ito totoo.

Sabi rin ng uploader na sinagot ng management ng resort ang pagpapagamot sa na-aksidenteng lolo.

Tumangging magbigay ng panayam ang biktima at may-ari ng resort. — Giselle Ombay/DVM, GMA News