Arestado ang dalawang menor de edad na suspek sa carnapping.

Magkasunod silang inaresto sa Quezon City at Caloocan City, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.

Ang isa ay 17-anyos na lalaki habang ang isa naman ay 16-anyos na babae.

Naaresto sila ng mga awtoridad matapos may ma-carnap na van sa Quezon City.

Nabawi sa mga suspek ang ilang sasakyan, mga susi, at isang baril.

Ayon naman sa mga suspek, hindi sa kanila ang baril.

Sinabi rin ng mga suspek na trip-trip lang ng barkada ang pagkuha nila ng mga sasakyan.

Iniiwan din daw nila ito kapag ubos na ang gasolina.

Dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ang mga suspek.

Samantala, tinutugis naman ng mga awtoridad ang kanilang mga kasamahan. —KG, GMA News