Ilang oras na naantala ang paglilibing sa isang namayapa nang maaksidente at tumagilid ang karo na kinalulunanan nito sa Pola, Oriental Mindoro.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Cacao ntiong Martes ng tanghali.

Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng preno ang karo kaya dumausdos sa pababang bahagi ng kalsada hanggang sa tumagilid.

Nasaktan sa pangyayari ang asawa ng namayapa at isang pahinante.

Gayunman, wala na umanong nagreklamo matapos na nagkaroon na ng kasunduan ang mga nasaktan at ang may-ari ng punerarya.

Nailibing din ang patay pagkaraan ng apat na oras.

--FRJ, GMA News