Nagulat ang mga residente ng bayan ng San Juan sa La Union nang malambat ang isang butanding o whale shark, ayon sa ulat ng Saksi nitong Biyernes.

Bihira raw makita sa kanilang lugar ang butanding.

Nagtulong-tulong ang mga residente na mapakawalan sa dagat ang butanding.

Samantala, sa Punta Bunga, isang dive site sa Boracay, Aklan, namataan ng mga diver ang isang thresher shark.

Parehong nanganganib o endangered na ang butanding at thresher shark. —KG, GMA News