Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 13-anyos na binatilyo sa Pototan, Iloilo na natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan.

May mga sugat sa ulo at likod ang biktima, marahil dahil umano sa pamumukpok, at sa tabi ng kanyang bangkay ay may natagpuang martilyo na posible raw na ginamit ng salarin.

Kinilala lamang ang biktima na si Alyas "Nonoy" na taga-Barangay Casalsagan sa bayan ng Polotan.

Ayon sa ama ng biktima, nakakalat ang mga barya mula sa kanilang negosyo na Pisonet, kaya anggulong pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa krimen.

Nanawagan ng hustisya ang ama ng biktima. —LBG, GMA News