Isa ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang SUV na galing sa kasalan sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat ng 24 Oras nitong Huwebes, sinabing base sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang SUV matapos itong mag-overtake sa sinusundang AUV.

Kinilala ang biktimang si Estefania Padcayan, na dead on arrival sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —Jamil Santos/VBL, GMA News