Arestado ang isang lalaking suspek sa panggagahasa umano sa isang menor de edad sa Ilocos Norte, matapos ang pitong buwang pagtatago sa batas.

Ang 21-anyos suspek ay inaakusahang nanggahasa sa 15-anyos na babae. 

Inamin ng suspek ang ginawang krimen, pero iginiit na girlfriend niya raw ang menor de edad na biktima.

Humingi siya ng tawad sa pamilya ng babae. —LBG, GMA News