Nalunod ang magpinsang apat at limang taong gulang na mga bata sa hinukay na bahagi ng isang ilog sa Tayum, Abra.

Sa ulat ng "Saksi" nitong Biyernes, inilahad ng ina ng isa sa mga bata na hindi nila napansin na umalis ng bahay ang mga batang biktima na isang lalaki at isang babae.

Nakita na lang nila na malapit sa ginagawang hukay ang mga bisikleta ng mga bata.

Nagawa pang isugod sa ospital ang isang bata sa rural health unit pero hindi na siya na-revive.

Sinabi ng pulisya na maaaring na-enganyong maligo sa lugar ang mga bata dahil may naipong tubig sa hukay dulot ng pag-ulan. —Jamil Santos/VBL, GMA News