Isang apat na buwang gulang na sanggol ang nailigtas noong kasagsagan ng Bagyong Paeng sa Kawit, Cavite, sa pamamagitan ng styro box.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, nilagay nila ang sanggol sa styro box para masigurong ligtas sa lampas-taong baha sa lugar.

Mabilis daw tumaas ang tubig sa nasabing lugar dahil sa malakas na ulan. Inabot ng isang oras ang paglikas ng mga residente.

Ligtas naman daw ang sanggol at ang pamilya nito.  —KBK, GMA News