Natagpuan ang isang putol na binti ng tao sa isang kahon na ibinaon ng tatlong lalaki sa Tabaco, Albay.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing natagpuan ang binti sa Brgy. Fatima.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nakitang may tatlong lalaki na tila may ibinabaon na kahon sa lugar.

Nang hukayin ng mga taga-barangay, doon bumungad sa kanila ang putol na binti.

Patuloy ang imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan ng tatlong lalaki.

Hindi naman inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad na mula sa mga ospital ang binti. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News