Arestado ang isang suspek na itinuturing na most wanted person sa Calabarzon.

Nakilala ang suspek na si alyas "Arjay" na naging subject ng manhunt operation, base sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog na iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Naaresto ang suspek sa Barangay Poblacion sa Tagkawayan, Quezon.

Nahaharap sa kasong statutory rape ang suspek na walang pahayag. —KG, GMA Integrated News