Arestado ang isang babae matapos niyang tangayin ang isang cellphone sa free charging station sa Bicol.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa GMA News Feed, mapapanood sa CCTV ang ginawang pagtangay ng babae.

Sinabi ng operations manager ng Bicol Central Station na agad nakahingi ng tulong ang may-ari ng cellphone kaya nasuri ang mga kuha ng CCTV sa lugar.

Nahuli kalaunan ang babaeng suspek, na dinala sa estasyon ng pulisya at mahaharap sa reklamo.

Hindi nakapagbigay ng pahayag sa media ang suspek. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News