Inabot ng panganganak ang isang ginang na evacuee sa evacuation center sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes batay sa report ng GMA Regional TV One Mindanao, sinabing hindi kaagad nakaalis ang sasakyang magdadala sa ginang sa ospital dahil sa baha.

Ligtas naman umano ang ginang at ang kanyang sanggol na nalaki matapos ang kanayang panganganak sa evacuation center.

Mananatili ang mag-ina sa health center upang ma-monitor ang kanilang kalagayan.

Nagpapasalamat ang ginang sa mga tumulong sa kanyang panganganak. —LBG, GMA Intergrated News