Patay ang mahigit sa 30 na aso matapos silang lasunin umano sa loob ng isang subdivision sa Naga, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, mapapanood sa CCTV ang isang lalaki na nagpakain ng mga aso mula sa isang binalot na pagkain.

Suspetsa ng Naga Police na ito ang nagdulot ng pagkamatay ng mga hayop.

Sinabi ng isang netizen na nakita pa nilang nanghihina ang mga aso bago sila nasawi kalaunan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News