Tunay na walang pinipiling edad ang pag-ibig matapos magpakasal ang magkasintahang senior citizens na walong taon nang nagsasama sa Alabel, Sarangani.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing 74-anyos na si Tatay Sonny Montajes habang 77-anyos na si Nanay Martina.

Nagsimula ang kanilang kwentong pag-ibig sa simpleng text message noong 2015.

Hiwalay sa asawa at biyudo na noon si Tatay Sonny samantalang single si Nanay Martina.

Sinelyuhan nina Tatay Sonny at Nanay Martina ang kanilang pagmamahalan matapos magpakasal sa civil ceremonies nitong Pebrero 8. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News