Arestado ang isang magsasaka sa Agusan Del Sur dahil sa panggagahasa umano sa kanyang apo. 

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing noong 2020 nangyari ang pagsasamantala ng 67-anyos na lalaki ang menor de edad niyang apo.

Sa panayam ng GMA Regional TV One Mindanao, itinanggi ng suspek ang mga paratang, at sinabing pinag-iinitan lang daw siya ng kanyang manugang.

Nahaharap ang suspek sa reklamong statutory rape.

Samantala, isinailalim na sa counseling ang biktima. —LBG, GMA Integrated News