Pinatunayan ng isang junk artist sa Hagonoy, Bulacan na may art sa basura dahil sa kaniyang makukulay na obra mula sa mga itinapon na lumang tsinelas.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing kumukuha si Mark Perez ng mga tsinelas mula sa mga naipong basura, na matiyaga niyang nilalabahan, pinatutuyo, saka igagayak sa maliliit na piraso.

Matapos pagpira-pirasuhin, gagawa na si Mark ng mga mosaic art.

Ilan sa kaniyang mga nagawa ang Mona Lisa na may hawak na gitara, isang portrait ng babae at marami pang iba. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News