Nilimas ng mga kawatan ang mga alahas sa isang isang pawnshop sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Lunes, sinabing aabot sa P800,000 ang halaga ng mga alahas na nakulimbat ng mga kawatan.

Lumilitaw na nakapasok ang mga kawatan sa pawnshop sa pamamagitan ng pagdaan sa isang drainage canal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.--FRJ, GMA Integrated News