Iniligtas ng 8-anyos na bata ang kanyang ama na pinagsasaksak ng kapitbahay sa Bogo City sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat ng 24-Oras Weekend, sinabing hinamon daw ng suntukan ng suspek ang biktima, at batay sa report ng Super Radyo Cebu, nauwi ang panghahamon sa matinding away at pananaksak.

Nang makita, tumalon ang 8-anyos na anak ng biktima sa likod ng suspek at inagaw ang kutsilyo, at humingi ng tulong.

Nagpapagaling na sa ospital ang biktima, ayon sa ulat.

Samantala, kakasuhan ang suspek ng frustrated murder. —LBG, GMA Integrated News