Nasunog ang isang lumang planta ng yelo sa gitna ng pagde-demolish ng gusali na 100 taon nang nakatayo .

Iniulat ni Darlene Cay sa Unang Balita ntitong Huwebes na habang ginigiba, biglang nasunog ang 100-taong ice plant sa Malolos, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), gumamit umano ng acetylene torch sa gitna ng demolition ng planta, at tinamaan ang mga Styrofoam kaya kumalat ang apoy.

Naapula ang sunog pagkalipas ng mahigit kalahating oras. Wala umanong nasaktan sa insdente, ayon sa ulat. —LBG, GMA Integrated News