Nakasanayan nang sa tuwing may ikakasal mga bata o dalagita ang flower girls. Pero ibahin nyo ang isang kasalan sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Sa halip na mga bata, mga lola ang gumanap na flower girls.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing naisip umano ito ng isang bride na mga lola niya ang gawing flower girls kasi mahal niya sila at nais niyang bigyan ng "isang moment" to shine sa knailang buhay.

Ayon sa ulat, sa una tinawanan lamang umano ang bride ng kanyang mga lola dahil akala nila nagbibiro lamang ito.

Pero hindi rin nakatanggi ang mga lola ng bride dahil sa mahal rin umno nila ang kanilang apo na ikakasal.

Kaya kahit umano nahihirapan nang maglakad, game pa rin ang mga lola. —LBG, GMA Integrated News