Nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang isang 23-anyos na babae matapos saksakin ng kaniyang live-in partner gamit ang screwdriver sa Zamboanga City.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi, inilahad ng pulisya na nagpakarga ng hangin sa gulong ng tricycle ang suspek kasama ang biktima at ang kapatid nito.
Nauwi sa pagtatalo ang magkapatid sa harap ng suspek, kaya nainis ang suspek at kumuha siya ng screwdriver saka dalawang beses pinagsasaksak sa paa ang biktima.
Nagpapagaling na sa ospital ang biktima.
Dinakip ang suspek, na hindi pa nagbibigay ng pahayag. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
