Sugatan ang isang lalaki matapos niyang paglaruan umano ang kaniyang revolver at mabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa Cervantes, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din ni Mav Gonzales sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing .22 revolver ang pagmamay-aring armas ng biktima.

Pinaglaruan niya umano ang revolver, hanggang sa mabaril niya ang kaniyang kanang tuhod.

Hindi nagbigay ng pahayag ang lalaki na nahaharap sa kaukulang reklamo. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News