Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang menor de edad na magkapatid na natagpuang walang saplot at naghihingalo sa isang masukal na talahiban sa Dasmariñas, Cavite.

Bago nito, nakita sa CCTV camera ang magkapatid na Angeli at Maria na naglalakad papunta sa palengke kung saan nagtitinda ang kanilang ina.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, natagpuan sa isang madamong bahagi ng Burol Main ang magkapatid na may palatandaan na inabuso.

Ayon sa ina ng mga biktima, sinabihan niya ang mga anak na puntahan siya kapag nagutom ang mga ito.

Ngunit  nang umuwi ang ina, wala sa bahay ang dalawa niyang anak. Hanggang sa nalaman niya ang sinapit ng mga anak nang may magsabi na dinala ang mga ito sa ospital.

"Based doon sa finding talagang mayroong signs na inabuso sila," ayon sa pulisya.

Makaligtas kaya ang magkapatid at matukoy kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen?

Tunghayan ang buong ulat sa "Pinoy Crime Stories" sa Sabado sa ganap na 4:45 p.m. sa GMA. Simulcast sa Pinoy Hits at livestreaming sa GMA Public Affairs Youtube Channel at Facebook Pages ng GMA Public Affairs at GMA Network at GMA Public Affairs Tiktok. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News