Dalawang ahas ang nahuli sa loob ng Calumpang National High School sa Nagcarlan, Laguna kamakailan.

Nakuha ang mga ito nang humingi ng tulong ang pamunuan ng paaralan sa tinaguriang Cobra Prince ng Laguna na si Ian Florentin, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes.

Kinalkal ng kanyang team ang nakatambak na mga kahoy sa bodega at dito na nakita ang mga ahas.

Ang isa ay Philippine cobra habang ang isa naman ay sawa.

Nai-turn over na ang mga ahas sa Department of Environment and Natural Resources. —KG, GMA Integrated News