Patay ang isang negosyante matapos siyang pagbabarilin habang bumibiyahe at nagla-live steaming sa Polomolok, South Cotabato.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, madidinig sa video ang ilang putok ng baril at makikita ang pagbangga ng kaniyang sasakyan sa railing sa gilid ng kalsada.

Ayon sa mga awtoridad, agad na nasawi ang biktima na papunta sana sa General Santos City na galing sa bayan ng Tupi.

Wala umanong nawawalang pera o gamit ang biktima.

Kabilang sa tinitingnan motibo ng mga awtoridad sa krimen ang negosyo nitong pautang at pagkakasangkot sa investment scam. --FRJ, GMA Integrated News