Isinugod sa ospital ang isang 17-anyos na babae matapos siyang tagain sa mukha ng kaniyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Vigan City, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na lasing na umuwi ang suspek.

Nagtalo umano ang mag-ama dahil sa pakikipagrelasyon ng dalaga na humantong pananaga ng suspek sa kaniyang anak.

Sumuko kinalaunan sa pulisya ang suspek.  Gayunman, nagpasya ang biktima at mga kaanak nito na huwag kasuhan ang kaniyang ama. -- FRJ, GMA Integrated News