Idineklara ng Malacañang na special non-working days ang Nobyembre 16 hanggang 18, 2026 sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng pagho-host ng bansa sa ASEAN Summit at mga kaugnay nitong pagtitipon.
Ayon kay Acting Executive Secretary Ralph Recto, layunin ng hakbang na mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok sa gaganaping mga pagpupulong.
Magsisilbi itong long weekend dahil ang nabanggit na mga petsa ay Lunes, Martes, at Miyerkoles. - -FRJ GMA News

