Malagim ang naging wakas ng isang 27-anyos na lalaki na natagpuan ang putol-putol na bahagi ng katawan sa loob ng isang maleta at isang ice box sa Zamboanga City. Ang lumalabas na salarin, ang sarili niyang nakababatang kapatid na 18-anyos. Bakit nagawa ito ng suspek na itinuturing isang mabuting bata at mabuting anak? Alamin.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” binalikan ang kaso ng 27-anyos ni “Ismael,” hindi niya tunay na pangalan, na natagpuan ang mga bahagi ng katawan sa isang maleta at isang ice box sa labas ng kanilang bahay.

Kuso namang sumuko at umamin sa krimen ang nakababata niyang kapatid na si “Elijah,” hindi rin niya tunay na pangalan.

Batay sa kultura ng mga Muslim, agad na inilibing ang mga labi ni Ismael, habang nakakulong si Elijah sa Sinunuc Police Station sa Zamboanga City.

Isinalaysay ni Elijah sa pulisya ang ginawa niya ang krimen noong Setyembre 10 habang nakahiga sa kama ang kaniyang kuya. Aniya, pinalo niya ito ng martilyo sa ulo.

“Pagkatapos ko po siya minartilyo sa likod ng ulo, nakaupo po siya tapos nakapagsalita pa ng mga hindi ko na po maintindihan. Humiga po siya at saka natulog,” sabi niya.

Ikinatakot ni Elijah na hindi na nagising ang kaniyang kuya makalipas ang ilang oras.

“Pag-check ko po ng pulse niya, tsaka balat niya is malamig na po. Wala na pong pulse,” anang binata.

May job interview umano si Elijah noong araw na iyon kaya hinayaan muna niya ang bangkay ng kapatid sa kama.

Pagkauwi niya, isinagawa na ni Elijah na i-chop-chop ang katawan nito.

“Habang ginagawa po is, tina-try ko po talagang hindi sumuka pero hindi po kinaya ng katawan ko,” ani Elijah.

Isinilid naisilid niya sa maleta at icebox ang mga putol-putol na parte ng katawan ni Ismael. Gayunman, hindi na niya kinayang itapon pa ang mga ito.

“Nadala na po ako ng konsensiya kasi naalala ko din po 'yung asawa at anak niya,” sabi ni Elijah, na sumuko na sa mga awtoridad.

Dahilan ng pagpatay

Giit ni Elijah, hindi niya talaga balak patayin ang kapatid, kundi nagawa lamang ito dahil gusto niyang protektahan ang kanilang inang si Eva, na malapit sa kaniya.

Matapos magkasakit ang kanilang ina, napilitan si Elijah na tumigil sa pag-aaral para alagaan niya ito.

“Supposed to be, first year college na po ako. Napilitan po akong mag-stop ng pag-aaral. Kaya ako na lang po ang nagsakripisyo para lang maalagaan 'yung nanay ko. Nag-try ko pong magtrabaho ng night shift para sa gabi nakakakita ako. Tapos sa umaga hanggang hapon, inaalagaan ko po 'yung nanay ko,” anang binata.

Ayon kay Elijah, nawawala ang ilan nilang mamahaling mga gamit, kagaya ng sapatos, laptop, at cellphone. Pinaghihinalaan ni Elijah na si Ismael ang kumuha nito.

Nang komprontahin ni Elijah, nagalit umano si Ismael, at nagbanta ito sa kaniya.

“Ang sabi niya sa akin, kung magsusumbong ako, ‘papatayin ko kayo ng mama mo,’” ani Elijah, na natakot sa banta ng kaniyang kuya.

“Ibang klase siya magalit, nanlilisik 'yung mata, nakakatakot. Magalit na siya, mahirap siya pigilan,” sabi naman ng inang si Eva tungkol sa anak.

“Pinagsusuntok niya po 'yung ulo ko. Pumunta naman po kami dito sa pulis at nakapag-blotter. Tumakas po siya,” ani Elijah. “Recent po nakapagsabi sa akin na gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot. Natakot po ako kasi alam ko naman po 'yung side effects ng drugs.”

Ayon naman sa asawa ni Ismael, iniwan niya na rin ito.

“Kaya daw po nalulong kasi iniwan ko dahil daw po sa akin. Mabait naman po siya. Kaya lang po, nagbago lang po. Minsan, mainitin 'yung ulo niya, minsan nasisigawan niya, minsan po napapalo niya mga bata,” sabi ng asawa ni Ismael na hindi pinangalanan.

Kaya ayon kay Ismael inunahan na niya si Elijah bago pa siya nito saktan.

“Ang purpose ko lang naman po naman is ipa-unconscious siya kasi humihinga pa po siya that time. Inakala ko talaga na magigising pa siya,” anang binata.

Umamin si Elijah sa nagawa at humingi ng tawad, pati sa kaniyang ina.

“Parati ko pong iniisip 'yung nanay ko po. Ginawa ko po 'yun para maprotektahan po siya. Kasi 'yung banta po ng kuya ko is papatayin kaming dalawa. Pinagsisisihan ko po 'yun lahat. Humihingi ako ng tawad. Sorry kung hindi ako naging mabuting anak. Sorry kung ko natupad ‘yung pangarap niya maging guro,” ani Elijah.

Nahaharap ngayon si Elijah sa kasong murder.

Tunghayan sa KMJS ang muling pagtatagpo nina Elijah at inang si Eva, at ang paghingi ng tawad ng binata sa ina sa krimeng kaniyang nagawa. Panoorin ang buong kuwento. -- FRJ GMA News