Sugatan ang isang security guard matapos siyang salpukin ng humaharurot na kotse sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Lunes, makikita na patawid ang security guard sa exit gate nang mabundol sila ng itim na kotse.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan. Isinugod siya sa ospital at nakarakdang isailalim sa CT scan.

Hindi naman huminto ang kotse pero nahuli rin kinalaunan at nakipag-areglo, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA Integrated News