Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Meycauayan, Bulacan nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng pulisya, bumibiyahe si Richard Salvador, 50 anyos, sakay ang isang pasahero sa Barangay Zamora nang pagbabarilin siya sa likuran ng dalawang lalaki bandang 5:45 a.m. 

Tumakas ang mga suspek, na walang suot na mga helmet, sa hindi na natukoy na direksiyon, ayon sa pulisya. 

Rumesponde ang Meycauayan Police sa insidente ngunit dinatnan nilang wala nang buhay ang biktima. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa pamamaril sa tricycle driver. —Joviland Rita/KBK, GMA Integrated News