Usap-usapan sa Oton, Iloilo ang isang bagong silang na sanggol. Ang baby kasi may puting buhok na, ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas sa "Good Night Vibes" sa "Saksi."

Wala naman daw komplikasyon sa pagbubuntis og pagpanganak ang ina kaya laking gulat daw nila nang makita na may puting buhok na ang sanggol.

Ayon sa isang doktor, ang puting buhok ng sanggol ay dahil sa kakulangan ng melanin. Posible din daw na namana niya ito.

Ano man ang dahilan, ang mahalaga para sa ina ay healthy ang kanyang baby. — BAP, GMA Integrated News